PELICANS UNGOS SA MAVS

PELICANS 

NAGBUHOS si Anthony Davis ng season-high 48 points at 17 rebounds at pinutol ng host New Orleans Pelicans ang five-game losing streak nang maungusan ang Dallas Mavericks, 114-112, noong Biyernes ng gabi.

Nagdagdag si Julius Randle ng 22 points at 12 rebounds, at gumawa si Jrue Holiday ng 18 points para sa Pelicans.

Tumipa si rookie Luka Doncic ng 34 points, nag-ambag si Harrison Barnes ng  21, nakalikom si Dennis Smith Jr. ng 14, at umiskor sina Dirk Nowitzki ng 11 at Dwight Powell ng 10 para sa Mavericks, na tinapos ang six-game losing streak nang gapiin ang Pelicans, 122-119, noong Miyerkoles sa Dallas.

NUGGETS 102, SPURS 99

Tumirada si Jamal Murray ng 31 points at nag-ambag si Nikola Jokic ng 21 points, 9 rebounds at 9 assists nang igupo ng host Denver ang San Antonio.

Gumawa si Malik Beasley ng  21 points bago nilisan ang laro dahil sa hindi ibinunyag na  injury para sa Denver, na pinutol ang two-game losing streak.

Nagposte sina LaMarcus Aldridge ng 24 points, DeMar DeRozan ng 15 at Bryn Forbes ng 13 para sa Spurs.

THUNDER 118, SUNS 102

Humataw si Russell Westbrook ng 40 points, 12 rebounds at 8 assists upang pangunahan ang  Oklahoma City kontra  Phoenix.

Naitala ni Dennis Schroder ang 14 sa kanyang 20 points sa fourth quarter at namayani ang Thunder na wala si star forward Paul George (quadriceps).

Gumawa si Abdel Nader ng career-best 18 points mula sa bench para sa Oklahoma City, na naputol ang two-game slide. Nag-ambag si Devin Booker ng  25 points, 10 assists at 7 rebounds para sa  Suns, na nanalo ng lima sa huling pitong laro.

CLIPPERS 118, LAKERS 107

Kumana si Lou Williams ng season-high 36 points mula sa bench para pangunahan ang Clippers laban sa Lakers.

Nagdagdag si Danilo Gallinari ng  19 points para sa Clippers. Matapos ang mabagal na si­mula, gumawa si  Montrezl Harrell ng 12 points.

Umiskor si Kyle Kuzma ng  24 points at nagdagdag si Lonzo Ball ng 19 para sa Lakers,  na naglaro na wala sina LeBron James (groin injury) at Rajon Rondo (finger injury).

HEAT 118,

CAVALIERS 94

Pinangunahan ni Justise  Winslow ang balanseng opensa para sa host Miami na nanaig sa kulang sa taong Cleveland.

Tumapos si Winslow na may 24 points, 11 rebounds at 7 assists. Nagdagdag si Bam Adebayo ng 18 points sa 8-for-8 shooting, 9 boards at 5 assists.

Dahil sa injuries ay siyam na players lamang ang naglaro para sa Cleveland. Umiskor si Jordan Clarkson ng 18 points at nag-dagdag si Alec Burks ng 17.

MAGIC 116,

RAPTORS 87

Tumabo si Nikola Vucevic ng  30 points, 20 rebounds at 8  assists upang tulungan ang host Orlando na ibasura ang Toronto. Nagdagdag si D.J. Augustin ng 17 points at pinutol ng Orlando ang four-game slide.

Kumamada si Kawhi Leonard ng 21 points para sa  Raptors, na bu­magsak sa 26-11. Nakakolekta si Serge Ibaka ng  17 points, 8 rebounds at 4 blocked shots, habang nagsalansan si Fred VanVleet ng 11 points para sa Toronto, na naglaro na wala si point guard Kyle Lowry (back).

PACERS 125,

PISTONS 87

Kumabig si Domantas Sabonis ng 19 points at 12 rebounds mula sa bench upang pagbidahan ang Indiana sa ika-4 na sunod na panalo nang durugin ang Detroit sa Indianapolis.

Tumipa rin si Darren Collison ng 19 points at naipasok ang lahat ng kanyang pitong field-goal attempts, at nagbigay ng pitong assists. Nag-ambag sina Myles Turner at Thaddeus Young ng tig-17 points, at nagposte sina Doug McDermott at Bojan Bogdanov-ic ng tig-12.

Tumabo si Blake Griffin ng 18 points, 7 rebounds at 5 assists para sa Pistons subalit nakagawa rin ng 7 turnovers. Kumabig si Luke Kennard ng 14 points mula sa bench, nagdagdag si Reggie Bullock ng  13, at gumawa si Andre Drummond ng  12 points at 12 rebounds.

Sa iba pang laro: Hornets 100, Nets 87; Bulls 101, Wizards 92; Hawks 123, Timberwolves 120 (OT).

Comments are closed.