PAPAGITNA ang 15 young girls at women na nagwagi ng gold medals sa 7th Women’s Martial Arts Festival Pencak Silat Competition sa ‘Rise Up, Shape Up’ web series ngayong Sabado.
Itatampok ang success stories nina Danyella Reiyn Coching (Tunggal pre-teen 9-11 years old category), Szavein Emerald Cordovez, Jazzy dela Cruz at Antoinette Isabelle Sta. Romana (Beregu pre-teen 9-11 years old category) at Zyche Mae Jizmundo, Ann Gilrose Sanchez, at Hanna Kimberlay Cezar (Beregu Pre-junior 12-13 years old category) sa September 25 episode.
Ang series ay tatampukan din ng iba pang golden medalist rising stars ng Indonesian martial arts na nanalo sa kanilang kumpetisyon sa 14-16 years old category at 17-35 years old category.
Makikibahagi rin si Pencak Silat 2019 Southeast Asian Games Silver Medalist Francine Padios sa web series episode.
Tatalakayin ni Women in Sports (WIS) Commissioner in-charge Celia H. Kiram sa kanyang regular segment na “K-Isport: Kwentong Isport” ang kasaysayan ng Pencak Silat sa bansa.
616896 83532I gotta bookmark this website it seems very useful very beneficial 74018