Peri-Peri Charcoal Chicken ANG INIHAW NA MANOK NI ENCHONG DEE

ANO ang pagkakapareho nina Enchong Dee, Jericho Rosales, Joel Torre at Marvin Agustin? Liban sa pagiging mahuhusay na actors, nasa franchise business din sila. Natalakay na natin si Jericho Rosales at ipagpaliban muna natin sina Marvin at Joel, dahil ang tatalakayin natin nga­yon ay si Enchong.

Peri-Peri Charcoal Chicken & Sauce Bar ang napili ni Enchong bilang franchisee dahil siya rin ang brand ambassador nito. Kasama niya rito sina Rissa Mananquil-Trillo, co-founder and chief brand officer ng Happy Skin; at Bea Soriano-Dee, operations director ng Sunnies Studios and Sunnies Face.

Kilala sa business circle bilang Ernest Lorenzo Velasquez Dee, isinilang at lumaki si Enchong sa Naga City. Una siyang sumikat sa mga swimming competitions sa mu-rang edad na anim na taon, na­ging miyembro ng National Team sa edad na 13, ay sumali sa mga international swimming competitions tulad ng SEA Games, Afro-Asian Games at Asian Games.

Nang magretiro siya sa mga swimming competitions, naging full-time actor naman siya, at di naglaon, sumabak naman sa negosyo nang itayo niya ang sarili niyang      realty company, ang Sky Rocket 88.

Sa kanyang mid-twenties, nagdesisyon si Enchong na pumasok sa food business nang buksan niya ang unang franchise ng Peri Peri Charcoal Chicken sa Megamall. May tatlong branches na ito ngayon na ikinatuwa naman ni Enchong at ng kanyang mga partners, kasama na ang UP Town Center, Market! Market, at Marquee Mall, Pam-panga branches!

Ang Pinoy na Pinoy na Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar ay sikat sa malasang charcoal-grilled Chicken at napakasarap na sauce. Ngayong ang brand endorser nito ay ang actor at young entrepreneur na si Enchong Dee, lalo pa itong sumikat.

Nagsagawa kamakailan ng sunud-sunod na advertisements ang Peri-peri, na ang naka-feature ay si Enchong, na nag-i-enjoy sa Peri-Peri cuisine habang sumasayaw ng Peri Peri Chicken Dance. Si Bryan C. Tiu ang president and CEO ng Ifoods Group, mother company ng Peri Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar, at si Enchong naman ang face of the restaurant dahil sa kanyang “youthful energy and fun personality’ na bagay na bagay sa upbeat energy ng Peri-Peri.

Ang Peri-Peri ay inihanda para sa mapiling panlasa. Mahigit 40 ang laman ng kanilang menu, na bawat isa ay may kanya-kanyang karakter, na nagbibigay ng flavors mula South America. Pero kahit inspired ito ng international culture, ibinagay ito sa lasang Pinoy.– NV

8 thoughts on “Peri-Peri Charcoal Chicken ANG INIHAW NA MANOK NI ENCHONG DEE”

  1. Attractive section of content. I just stumbled upon your blog and in accession capital to say
    that I acquire in fact loved account your weblog posts.
    Anyway I will be subscribing in your feeds or even I success you get right of
    entry to constantly fast.

  2. 515007 495054Often the Are generally Weight reduction program is unquestionably an low-priced and flexible weight-reduction plan product modeled on individuals seeking out shed some pounds combined with at some point sustain a far healthier your life. la weight loss 636525

  3. 233411 225603A domain name is an identification label which defines a realm of administrative autonomy, authority, or control within the Internet. Domain names are also critica for domain hostingwebsite hosting 562997

Comments are closed.