PERMANENTENG TANGGAPAN NG PCUP SA QC

PCUP-3

HINIHILING ng  Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa National Housing Authority (NHA)  na maging permanenteng tanggapan  nila  ang may sukat na 3,000-square meter sa National Government Center sa Quezon City.

Sa tatlong dekada ng PCUP, ito ay hindi pa nagkakaroon ng masasabing sariling opisina, kaya naman nais tuparin ni PCUP Chairperson at Chief Executive Officer Alvin Feliciano ang ideya na magkaroon na sila ng sariling tahanan kaysa gumastos taon-taon ng kalahating mil­yon sa upa lamang.

“Sa loob ng 33 years, ang mga nakaraang administrasyon ay nakuntento na sa pagre-rent lang ng office. Mas makakatipid at makaka-save ang PCUP kung magkakaroon tayo ng sariling building na matatawag din natin na atin,” pahayag ni Feliciano.

Matatagpuan ang PCUP sa loob ng Malacañang compound bago nagpalipat-lipat sa mga gusali sa Quezon City.

Ang Komisyon ay matagal nangupahan sa Project 7 sa EDSA bago lumipat sa kasalukuyang lokasyon sa Quezon Avenue, Quezon City.

Nakausap na mismo ni PCUP Chairman si NHA General Manager, Marcelino Escalada Jr., at nagpahayag ito ng determinasyong bilhin ang lote ng 20% base sa assessed value nito.

Nais ng PCUP ang loteng matatagpuan sa pagitan ng House of Representatives Electoral Tribunal at National Intelligence Coordinating Agency sa Sandiganbayan, sa gawi ng Batasan Road. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.