PERMIT SA COMMUNITY PANTRY (Binawi ng DILG)

Martin Diño

BINAWI ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang una nitong pahayag na kailangang may permit mula sa mga  lokal na pamahalaan ang sinumang magtatayo ng ‘community pantry.’

Sabi ni Diño,  matapos lumabas ang ulat na umano’y dapat may permiso mula sa City Hall, munisipyo at barangay ang pagtatayo ng community pantry.

Ayon kay Diño, hindi na kailangang kumuha ng permit kundi koordinasyon na lamang ang dapat gawin sa paglalagay ng community pantry upang mapanatili ang health protocols sa kani-kanilang mga lugar na nais magsagawa ng bayanihan.

Dapat din aniya na maging responsable ang mga  organizer ng community pantry sa kanilang proyekto upang maiwasan ang anumang hawaan ng COVID-19.

“I think now they need [a] permit from the local, mayor, or the barangay. Una, paisa-isa lang ‘yan. Ngayon kaso dinumog na ng tao, ibig sabihin wala nang kontrol pati yung protocol ngayon ay na-violate na,” batay sa naunang pahayag ng DILG official pero agad din niya itong binawi. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “PERMIT SA COMMUNITY PANTRY (Binawi ng DILG)”

Comments are closed.