PERMITS NA INISYU SA FOREIGN POGO WORKERS BUBUSISIIN NG DOLE

IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Alien Employment Permits (AEPs) na inisyu sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) companies.

“We will begin the investigation on whether these AEPs issued to POGO workers should already be canceled or revoked,” pahayag ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing nitong Huwebes.

“We will now undertake a review of these AEPs and their holders, which are POGO workers,” dagdag pa niya.

Ayon kay Benavidez, may mahigit 42,000 foreign POGO workers na inisyuhan ng AEPs at nakahanda, aniya, sila na kanselahin ang AEPs na inisyu sa mga foreigner na nagtatrabaho sa naturang mga kompanya kapag napatunayang sangkot sa mga ilegal na gawain.

“Ideally, these legally issued AEPs must be used properly and correctly,” anang DOLE undersecretary. “If these POGO workers issued (with) AEPs are found engaged in illegal activities, these are subject to revocation or cancellation. That is the directive of our (DOLE) Secretary.”

Ang AEP ay isang dokumento na iniisyu sa isang non-resident alien o foreign national na nais magtrabaho sa Pilipinas.

Noong Miyerkoles ay hiniling ng Senado sa DOLE na repasuhin ang 42,409 AEPs na inisyu sa foreign nationals na nagtatrabaho sa POGO firms.

(PNA)