PERSON OF INTEREST SA PAGKAMATAY NG PINAY DH HAWAK NA NG SAUDI AUTHORITY

Philippine Consul General Edgar Badajos

JEDDAH – HAWAK na ng awtoridad sa Saudi Arabia ang “person of interest” sa pagkamatay ng isang Pinay OFW.

Ayon kay Philippine Consul General Edgar Badajos, nakita ang bangkay sa isang kuwarto sa hotel sa nasabing lugar.

Aniya, inaasahang magbibigay sa kanila ng impormasyon ang Saudi authorities kaugnay sa kaso ng OFW sa susunod na linggo pagkatapos ng Eid’l Adha.

Matatandaan na nakita noong Sabado sa isang kuwarto sa hotel ang bangkay ng 52-anyos na OFW na hindi pa pinapangalanan.

Ang sinasabing person of interest na isang lalaki, ang huli umanong nakitang kasama ng biktima bago siya nawala ng tatlong araw hanggang sa matagpuan sa hotel.

Naunang sinabi ng isang opisyal ng embahada ng Filipinas na hindi Filipino ang sinasabing person of interest.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.