IBABAHAGI ni Olympic silver medalist Nesthy Petecio ang kanyang Olympic journey sa webi-sode ng ‘Rise Up, Shape Up’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayong Linggo, August 22.
Si Petecio ay umukit ng kasaysayan sa Philippine Olympics nang magwagi ng silver medal sa women’s featherweight event ng katatapos na Summer Olympic Games na idinaos sa Tokyo, Japan.
Ang proud daughter ng Santa Cruz, Davao del Norte ang unang Filipino female boxer na nanalo ng Olympic medal para sa Pilipinas.
Ang panalo ni Petecio ay tumapos din sa 25-year medal drought ng boxing na huling nag-uwi ng Olympic medal nang masungkit ni Mansueto ‘Onyok’ Velasco ang silver sa 1996 Atlanta Games.
Makakasama ni Petecio sa webisode ang kanyang coaching team – national coaches Nolito ‘Boy’Velasco at Reynaldo Galido -gayundin sina teammates Annie Albania, Ana Lisa Cruz, at kapatid na si Hansel Petecio. Ibabahagi nila ang sulyap sa abang pagsisimula ni Petecio hanggang sa kanyang tagumpay sa Olympics.
“The upcoming episode will highlight women empowerment through sports and also celebrate Nesthy’s remarkable win,” wika ni PSC Women in Sports oversight commissioner Celia Kiram
“What a time to be alive for Filipina athletes! We have female athletes who are history-makers, showing the whole world that women in sports are also capable of making names in the greatest Olympic stage,” dagdag ni Kiram na tatalakayin din ang kasaysayan ng women’s boxing sa K-Isport segment. CLYDE MARIANO
871476 888928I like this weblog it is a master piece! Glad I discovered this on google. 12747
86724 52171A actually fascinating read, I could properly not agree totally, but you do make some quite legitimate factors. 727142