PETISYON KONTRA SA PROV’L BUS BAN DINISMIS

IBINASURA ng Korte Suprema ang tatlong petisyon na nagbaba­sura sa ban sa provincial buses at pagsasara ng mga terminal nito sa EDSA.

Nakasaad sa resolusyon na may petsang Disyembre 3 na: “We dismiss the suit for contravening the doctrine of hierarchy of courts. As stated in Aala v. Uy, the doctrine on [the] hierarchy of courts is a practical judicial policy designed to restrain parties from directly resorting to this court when relief may be obtained before the lower courts,”.

“Hence, for this Court to be able to satisfactorily perform the functions assigned to it by the fundamental charter, it must remain as a court of last resort. This can be achieved by relieving the Court of the task of dealing with cases in the first instance,” nakasaad pa sa resolusyon.

Noong Marso 2019, isang regulation ang isinampa na pumapayag sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan  o bawiin  ang pag-iisyu  ng business permits sa lahat ng public utility bus terminals at operators na nasa EDSA.

Iniutos ng MMDA na sumagot sa panawagan laban sa pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA, na isinampa ng AKO Bicol Partylist, Albay Representative Joey Salceda, at Makabayan bloc.

Kinuwestiyon ng Office of the Solicitor General  sa kanilang consolidated comment ang legal standing ng petisyon at ibinasura ito dahil sa umano’y “too general, incidental, impersonal at speculative.”