(Petisyon ng PDP-Laban Cusi Wing) HULING PARAAN PARA MAISULONG ANG NO-EL

TAKTIKA raw para madiskaril ang eleksiyon sa Mayo ang petisyon ng PDP-Laban Cusi Wing na nagsusulong na mapalawig ang filing ng Certi­ficate Of Candidacy.

Ito ang inihayag NIPDP Laban Vice Chairman Lutgardo Barbo.

Ayon kay Barbo, hu­ling paraan o last ditch ito ng PDP-Laban Cusi wing para maisulong ang No-El o No Election scenario.

Kaugnay nito, sinabi ni Barbo na dapat ibasura ng COMELEC ang naturang petisyon dahil wala aniyang otoridad mula sa tunay na liderato ng PDP-Laban ang naturang hakbang.

Ang nag-file aniya ng naturang petisyon ay mga pretenders o nagpapanggap at walang personalidad para ikatawan ang partido.

Ang signatory sa petisyon ay sinasabing mga political freeloaders at hindi pa nga miyembro ng PDP-Laban.

Dahil sa kawalan ng standard-bearer ng Cusi wing at pagkakaroon ng mga kandidato  na ‘di kasapi ng partido, nawalan aniya sila ng clout at leve­rage para umangkin ng anumang kapangyarihan at karapatan sa partido.  DWIZ882