IBINASURA ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang petisyon ni Senador Leila De Lima para ipawalang bisa ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito ay ang Motion to Quash na una nang isinumite ng kampo ng senadora para ipawalang bisa ang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading.
Ibinase ni Judge Patria De Leon ang pagbasura sa teknikalidad dahil sa dati na umanong natalakay ang nilalaman ng naturang mosyon.
Gayunman, hindi pa rin natuloy ang dapat sanang arraignment laban sa senadora matapos maghain ng 12 pahinang motion for reconsideration ang mga abogado nito.
Binigyan muna ng korte ang prosecution ng limang araw para pag-aralan at sagutin ang panibagong mosyon ng kampo ni De Lima at itinakda ang panibagong pagdinig sa Hulyo 27 ng umaga. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.