MAKARAAN ang malakihang rolbak noong Martes ay balik sa taas-presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, tinatayang tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.60 hanggang P0.70.
Maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.15 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Inaasahan namang may P0.50 hanggang P0.60 na pagtaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Comments are closed.