MATIKAS na nakihamok ang Pilipinas bago yumuko sa Chinese-Taipei, 26-28, 21-25, 21-25, upang matamo ang sixth-place finish sa AVC Cup for Women nitong Lunes sa harap ng appreciative crowd sa Philsports Arena.
Ang women’s national team ay hindi kinakitaan ng pagkapagod matapos ang kapana-panabik na 21-25, 25-19, 19-25, 25-18, 15-12 panalo kontra Australia noong Linggo, kung saan pinahirapan nito ang Taiwanese sa extended first set bago natalo.
Kinontrol ng Chinese-Taipei ang sumunod na dalawang sets sa pangunguna ni team captain Chang Li-Wen taking at nagtagumpay sa paglimita kay Philippines’ ace spiker Tots Carlos sa third set.
May tatlong panalo, ang sixth-place finish ang best-ever ng host country sa isang continental competition matapos ang fifth-place sa 3rd Asian Championship sa Fukuoka, Japan noong 1983.
“Actually, the three wins is a blessing,” sabi ni coach Sherwin Meneses. “Three wins is history. We are very thankful for the players who sacrificed because the games are played everyday.”
Ang Pilipinas ay nagwagi sa dalawang pool matches laban sa Iran at South Korea, at naungusan ang Australia sa unang classification game noong Linggo, upang mahigitan ang ninth place run ng bansa sa 2018 edition sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
“The team familiarity and chemistry is important in a tournament like this,” sabi ni Meneses.
Umiskor si Ced Domingo ng 12 points, habang hataw si Michele Gumabao ng 2 blocks para sa nine-point outing.
Kumana si Jema Galanza ng 8 kills, tumipa si Jeanette Panaga ng 8 points, kabilang ang 3 blocks, habang nakalikom si Tots Carlos ng 7 points.
Pinuri ni Chang, naitala ang siyam sa match-best 18 points sa third set, ang mga Pinay sa pagbibigay sa kanya ng matinding hamon bago nakopo ang fifth place.
“The Philippines is a good team, they have good speed so we used strong service. Sometimes it is fast, sometimes its short ball. They are focused on reception,” sabi ni Chang.
“They always give the ball to the outside spikers and we are ready. We practiced about their outside spikers,” dagdag pa ng Taiwanese opposite hitter.