PH ARCHERS SASABAK SA 3 PARIS OLYMPICS QUALIFIERS

Pinoy Archer

LIMANG international tournaments ang nakatakdang lahukan ng Pinoy archers ngayong taon, kabilang ang tatlong qualifiers para sa 2024 Paris Olympics.

Ang World Archery Championships sa Berlin, Germany (July 31-Aug. 6), 19th Asian Games sa Hangzhou, China (Sept. 23-Oct. 8) at Asian Archery Championships sa Bangkok, Thailand (Nov. 4-12) ay magkakaloob ng ranking points para sa slots sa susunod na Olympics.

Ang national team ay sasabak din sa Asia Cup Leg 1 sa Chinese Taipei sa March 14-19 at Leg 3 sa Singapore sa June 5-10 bilang bahagi ng paghahanda para sa Asiad.

Noong nakaraang taon, anim na atleta ang nagtungo sa South Korea para sa World Archery Asia joint training at Asia Archery Challenge.

Nakipo ni Gabrielle Monica Bidaure ang silver medal sa women’s recurve event sa Gangwon-do province kontra hometown bet Nam Su Hyun Nam.

Dumalo rin ang kanyang kapatid na si Pia Elizabeth Angela sa training camp kasama sina Phoebe Nicole Amistoso, Damariz Gabrielle Calera, Jason Emmanuel Feliciano at Riley Silos.

Samantala, gaganapin ang 17th Philippine Archery Cup Leg 1 at ang 2022 Philippine Archery Cup finals sa Jan. 20-22 sa STI Gold Toe Archery Center sa Barangka, Marikina City.

Ang Philippine Archery Cup ay tinatampukan ng 50-meter barebow, para and compound, af 70-meter recurve events sa men’s at women’s divisions.

Gaganapin ang Philippine Archery Cup finals, ni-reset noong nakaraang taon dahil sa masamang panahon, sa hapon ng Jan. 22.

PNA