PH-ARGENTINA AGRI COOPERATION PALALAKASIN

NAGPULONG kamakailan sina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.  at Argentine envoy to Manila, Ambassador Ricardo Luis Bocalandro, upang talakayin ang mga paraan para palakasin ang agricultural cooperation at partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa  courtesy call ni Amb. Bocalandro, binigyang-diin ni Secretary Tiu Laurel ang interes ng Pilipinas sa pag-export ng mangga sa Argentina, gayundin ang paggamit ng Argentine technology at machinery upang mapag-ibayo ang local rice at  corn production.

 Tiniyak ng Argentine envoy sa agriculture chief na nakahanda ang Argentina na tulungan ang Pilipinas na paghusayin ang local agriculture at winelcome ang mas maraming shipments ng agricultural commodities mula sa Pilipinas, kabilang ang mangga.

 Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang iba pang mga bagay tulad ng trade and market access; technical cooperation projects, partikular sa  agricultural biotechnology, crop pest management, sugar, farm mechanization at digitalization; foot-and-mouth disease vaccines; at sustainable at value-added rice programs at fisheries.

Pinasalamatan ni Sec. Tiu Laurel ang Argentine diplomat para sa interes ng kanyang bansa sa Philippine agricultural products at ang kahandaan nitong tumulong sa pagmodernisa sa local agriculture.

Si Amb. Bocalandro ay sinamahan sa courtesy call ni deputy Chief of Mission Leandro Waisman at ng head ng embassy’s Economic and Commercial Section Ana Clara Pianezza.

Sinamahan naman si Sec. Tiu Laurel nina Miguel Hornilla, director for South America ng Department of Foreign Affairs, at Janet Garcia, chief ng International Affairs Division ng DA.