LUMAGDA na ang Pilipinas sa kasunduan kasama ang Indonesia nitong Biyernes upang mailipat sa jail facility sa bansa ang convicted OFW na si Mary Jane Veloso.
Nilagdaan ni Department of Justice Undersecretary Raul Vasquez ang kasunduan kasama si Indonesian Minister on Legal Affairs Yusril Ihza Mahendr.
“Your big hearts really paved the way for the final realization of a long sought effort to have Mary Jane Veloso be brought back to the Philippines,” ani Vasquez sa Indonesian government sa isinagawang signing ceremony.
“This has been a long and tedious process of 10 years and what a fitting end to have a gift like this during Christmas,” dagdag ni Vasquez.
Wala pang partikular na petsa ng pagniyahe kay Veloso sa Pilipinas, ngunit posible na mangyari ito bagong mag-Pasko.
“We don’t have a specific date but it is as soon as possible. We have to follow the internal rules and procedures of the Indonesian corrections authorities with respect to that,” dagdag ni Vasquez.
“We do understand and we respect the decision of the Indonesian courts with respect to the sentence that was meted on our citizen Mary Jane Veloso and we will endeavour to let her serve her sentence.”
“Once transferred to the country, she will serve her sentence, as agreed upon, in accordance with Philippine laws and regulations with respect to the penal code,” dagdag niya.
Si Veloso ay nahatulan ng parusang kamatayan noong 2015 dahil sa umano’y pagtatangkang magdala ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia.
Iginiit ng OFW na hindi niya alam na may droga sa loob ng maletang dala-dala niya patungong Indonesia, na mula sa kanyang recruiter.