PH BETS KINAPOS SA VOLLEYBALL WORLD BEACH PRO TOUR CHALLENGE

MATIKAS na nakihamok ang Filipino bets laban sa  top-ranked opponents subalit kinapos sa huli sa Volleyball World Beach Pro Tour Challenge qualifiers nitong Huwebes sa world-class Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa City.

NATIONAL team first-timers Sofiah Pagara (2) and Khylem Progella do not shy away from the challenge despite an 18-21, 16-21 defeat against world No. 47 Zhu Lingdi and Shuting Cao of China. CONTRIBUTED PHOTO

Nakipagsabayan sina Anthony Arbasto at Alche Gupiteo kina  world No. 157 Yusuke Ishijima at  Takumi Takahashi ng Japan bago tumukod sa  third set ng men’s qualification para sa 18-21, 21-19, 11-15 defeat.

Dalawa pang Filipino duos ang nabigo sa opener ng elite four-day tournament na inorganisa ng Volleyball World, subalit kumasa ang mga ito sa ilalim ng matinding init ng araw.

Sina national team first-timers Sofiah Pagara at Khylem Progella ay hindi tumalikid sa matinding hamon sa kabila ng 18-21, 16-21 kabiguan kontra world No. 47 Zhu Lingdi at Shuting Cao ng China, sa women’s qualification.

Tumiklop din ang veteran pair nina James Buytrago at  Rancel Varga kina world No. 85 Issa Batrane at  Frederick Bialokoz ng England, 11-21, 12-21, sa men’s division.

Si Brazilian Jao Luciano Kiodai ang gumagabay sa Filipino spikers sa kanilang laban kontra sand giants, na kinabibilangan ng top-ranked players, Olympians at world champions mula sa mahigit 30 bansa.