PH BILANG LAUNCHING PAD NG US, DUTERTE ‘DI PAPAYAG

Duterte-42

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintulutan na gamiting transit point o launching pad ng Amerika ang Filipinas para rito magpalipad ng missiles patungo sa kalaban nitong bansa.

Ito ang pahayag ng  Pangulo sa  tensiyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos na nauwi sa pambobomba  ng una sa military base ng mga Amerikano sa Iraq kamakalawa.

Tiniyak  din nito na  hindi nito isasabak sa giyera ng Iran at US ang mga  sundalong Filipino maliban na lamang kung hingin ito ng pambansang interest at may pag-apruba sa Kongreso.

Pinapayagan naman  ng gobyerno ang mga gray ship o war ship ng ibang bansa na makapag-refuel  sa Fi­lipinas.

Aminado ang Pa­ngulo na hindi siya nakatutulog sa kaiisip sa posibleng mangyari.

Gayunman, pinag-aaralan ngayon ay ang mga opsyon o plano sakaling lumala pa ang sitwasyon sa Gitnang Silangan.

May plan A at plan B aniya silang ikinokonsidera at mayroon ding  mga inihahandang mga hakbang  sakaling humantong sa worst case scenario ang sitwasyon. AIMEE ANOC

Comments are closed.