NANGAKO ang mga miyembro ng Philippine team sa w na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya habang nakakakuha ng karanasan na magagamit nila sa pagsabak sa international competitions sa hinaharap.
Nakatakda ang torneo sa Aug. 14-20sa Blu-O Rhythm and Bowl sa Bangkok. Ang Philippine delegation na kinabibilangan ng 16 bowlers ay lilipad sa Thai capital sa Aug. 13.
“We will just be enjoying this tournament while gaining experience. But we have a good chance,” sabi ni head coach Biboy Rivera sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Ang torneo ay para sa mga bowler na may edad 18 at pababa. Magkakaloob ito sa mga batang Filipino bowlers ng kinakailangang exposure habang sasakay sa momentum ng tagumpay ng bansa sa Hanoi SEA Games noong nakaraang Mayo.
Winakasan ng Pilipinas ang 11-year gold medal drought sa SEA Games sa pagwawagi ng gold sa men’s singles at team of four, at women’s singles.
Dumalo rin sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sina bowlers Zach Ramin at Stephen Luke Diwa.
“I’m very excited and honored,” sabi ni Ramin, na naka-base sa Singapore. Idinagdag niya na tatlong araw sa isang linggo siya nagsasanay para sa kumpetisyon na lalahukan ng 13 bansa, kasama ang Singapore, Malaysia at Japan.
“I can say that we have a good chance,” dagdag ni Diwa, estudyante sa Southville International School.
Hindi tulad ni Ramin, bibitbitin ni 17-year-old Diwa ang karanasan sa pagkatawan sa Pilipinas, kung saan nanalo siya ng gold sa men’s doubles sa IBF Under-21 World Championships sa Sweden noong nakaraang buwan.
Si Ramin ay nasa Philippine youth team magmula noong 2019, at may nauna nang stints sa Malaysia, Japan at Hong Kong.
Ang Pilipinas ay magpapadala ng tig-dalawang koponan sa boys’ and girls’ divisions, kabilang sina Justin Dinham, Kurt Anthony Capellan, John Raphael Besana, Sydmond Juille Vista, Kiel Andrey Barbosa at Christian Trespicio.
Ang girl’s team ay kinabibilangan nina Michaela Jayne Gutierrez, Grace Ann Hernandez, Kassandra Denise Yap, Juliane Chelsea Santos, Kysha Nicole Agujo, Antonette Garcia, Nomie Juayne Rosario at Tracey Carlyn Tan.
Makakasama ni Rivera sina fellow coaches Chris Batson, Billy Lopue, Ariel Yelo at Josephine Canare.