GALING ang Philippine DanceSport Team sa one-week dance camp sa Italy bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nov. 30-Dec. 11.
Subalit hindi ito nagtatapos doon. Ngayong linggo, ang koponan ay sasanayin ng isang certified world champion sa katauhan ni Polish coach/athlete Alina Nowak, na nito lamang Oktubre 19 ay nagwagi sa Adult Latin Division ng World Open Championship kasama si dance partner Edgar Marcos Borjas.
“’Yung mga athlete ko, they just came from Italy, where they attended a dance camp, they are in rigid training. And then I have a coach coming in this week, si Alina Nowak. They are focused on their training now, they are all passionate about the sport, they are dedicated,” wika ni DanceSport Council of the Philippines president Becky Garcia.
Winalis ng DanceSport ang dalawang gold medals na nakataya nang huling idaos ang biennial meet sa bansa noong 2005, subalit tumanggi si Garcia na magbigay ng numero sa kung ilang ginto ang makukuha ng kanyang dancers mula sa 12 medalya na nakataya sa pagkakataong ito.
“We are the hosts and it’s not right (to predict). All I can say is we always hope for the best. The last SEA games that we hosted here, we had 2 golds and 2 silvers. We had a very good showing then. Now, our athletes are really doing their best, training hard, magagaling naman talaga tayo,” ani Garcia.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Philippine Sports Commision (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa resulta ng foreign exposure ng mga atleta.
“Our athletes have shown determination to improve,” sabi ni Ramirez. “There are reasons to be hopeful of a better performance when the Sea Games come.”
Ang koponan ay pangungunahan nina Sean Micha Aranar at Ana Leonila Nualla sa iStandard Discipline, at Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo sa Latin Discipline.
“Sila talaga ang mga pambato natin, plus ‘yung couple from Cebu,” dagdag ni Garcia, patungkol kina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Caneda, na nasa Latin category din.
Ang iba pa sa koponan ay sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen (standard discipline event.), Yer Lord Ilyum Gabriel (Bboy Breaking) at Alyanna Talam (BGirl Breaking).
Ang leading pairs ay sasabak sa tatlong dance events, habang ang supporting tandem ay lalahok sa dalawang events sa kumpetisyon na gaganapin sa Clark, Pampanga.
Comments are closed.