“MAKAKABILI na tayo ng AstraZeneca vaccine kontra sa Covid-19 sa halagang US$2.50 per dose lamang, na kalahati sa presyong inanunsyo ng pamahalaan. Nagdesisyon na kasi ang Swedish pharmaceutical firm at Oxford University na ibenta ang kanilang bakuna na walang tubo at hanggang nangangailangan ang mga mahihirap na bansa,” ayon kay Senadora Imee Marcos.
Itong inihayag ni Marcos matapos lagdaan ng pamahalaan, lokal na corporate donors at AstraZeneca ang purchase agreement na pagkuha ng 25 million doses ng bakuna sa halagang halos P600 million, o $5 per dose.
Sinabi ni Marcos na ang kasunod na pagbili ng kaparehong bakuna ay dapat mas mura dahil kabilang ang Filipinas sa 92 low at low-middle income countries na makikinabang sa international donor-funded vaccines sa ilalim ng global initiative na tinawag na COVAX Advance Market Commitment facility.
Layunin ng COVAX AMC na mapanatili ang presyo ng bakuna ng hindi lalampas sa $3 per dose, sa tulong ng World Health Organization, Gavi Vaccine Alliance at mga bansang gumagawa ng vaccine, para makabili naman ang mga mahihirap na bansang tulad natin ng Covid-19 vaccine sa abot-kayang presyo.
“Sa badyet na P600 million, maaring makabili ang gobyerno hindi lang ng 2.6 million doses kundi aabot pa sa five million doses ng AstraZeneca vaccine. Sa halagang $5, bawat Pinoy na mababakunahan ay dapat makumpleto ang dalawang doses nito, hindi kalahati lang,” ani Marcos.
Ibinida ni Marcos ang nilabas na pahayag ng Oxford noong nakaraang linggo, na nagsasabing: “Ang pangunahing dahilan ng pagsasama ng Oxford at AstraZeneca ay ang joint commitment na maglaan ng bakuna, hindi para kumita lang sa panahon ng pandemya sa buong mundo, kundi panghabang-buhay na tulong para sa mga bansang low at middle income.”
Dagdag ni Marcos, ang AstraZeneca ay may lokal na presensya at ilang manufacturing sites sa China na maaring magpababa sa gastos ng pagpapadala ng bakuna ng nasabing kumpanya sa Filipinas.
Mababawasan din ang gastos sa cold chain storage o lagayan ng bakuna dahil normal refrigeration lang sa temperaturang two to eight degrees centigrade ang kailangan para hindi masira ang vaccine, dagdag ni Marcos. VICKY CERVALES
Comments are closed.