BUMAGSAK ang ekonomiya ng Filipinas ng 11.5 percent sa third quarter ng taon dahil sa epekto ng COVID-19, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 35 taon na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay bumaba sa tatlong sunod na quarters.
“The negative growth in the July to September period followed a revised 16.9 percent contraction of the GDP in the second quarter from a year earlier,” ayon sa PSA.
Ang first quarter GDP ay nauna na ring binago sa -0.7 percent mula sa -0.2 percent.
Nangangahulugan ito na ang GDP ay bumaba ng 9.7 percent sa unang tatlong quarters ng taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nauna nang sinabi ng World Bank na umaasa itong babagsak ang ekonomiya ng Filipinas, na kabilang sa world’s fastest-growing economies sa mga nakalipas na taon, ng 6.9 percent sa 2020.
Sa October report, sinabi ng International Monetary Fund (IMF) na ang Philippine GDP ay tinatayang bababa ng 8.3 percent ngayong taon, na pinakamasama sa Southeast Asia.
Sa Reuters poll ng mga economist ay lumabas na babagsak ang ekonomiya ng PH ng 8.9 percent para sa buong 2020, na mas mataas sa 4.5 percent hanggang 6.6 percent na pagtaya ng Philippine economic managers.
Isinisi ng mga ekonomista sa world’s longest at strictest lockdown ang record decline ng ekonomiya ng bansa sa second quarter.
Sinisi rin ni acting Economic Planning Secretary Karl Chua ang muling pagpapatupad ng lockdowns sa third quarter sa pagbagsak ng ekonomiya sa nasabing panahon.
“The double-digit contraction in the third quarter is not surprising given the return of more stringent quarantine measures in NCR and neighboring provinces, and Cebu City, which together account for around 60 percent of the Philippine economy,” sabi ni Chua.
Ang sektor ng agrikultura ang nag-iisang ‘bright spot’ sa PSA report, kung saan lumago ito ng 1.2 percent sa third quarter.
“The economy is on the mend. The worst is over,” sabi ni Chua. PMRT
Comments are closed.