INAASAHANG hihina ang ekonomiya ng bansa sa 6.5 percent o mas mababa pa sa third quarter ng taon dahil sa mataas na presyo ng bilihin at sa pagtamlay ng exports, ayon sa isang local think tank.
Sa pinakabagong Market Call report nito, sinabi ng First Metro Investment Corp (FMIC) University of Asia and the Pacific (UA&P) Capital Market Research na inaasahang aabot sa sukdulan ang inflation sa Agosto sa 5.9 percent.
Naniniwala rin ang think tank na ang export performance ng bansa ay makababawi sa second half ng taon at hindi agad sa third quarter.
“Third quarter GDP expansion may remain tepid (i.e., 6.5% or less), unless inflation starts to slowdown and exports begin to move to positive territory. With construction (especially infrastructure) and manufacturing remaining robust, the underlying growth momentum should hold up,” wika ng FMIC-UA&P Capital Market Research.
Ang inflation ay inaasahang magpi-peak sa Agosto dahil sa malalakas na ulan at pagbaha na naganap.
Gayunman, babagal umano ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa rice harvests at pagdating ng rice imports sa Setyembre.
Sinabi pa ng think tank na ang desisyon ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas na taasan ang interest rates nito ng 50 basis points four percent ay makatutulong para mapabangal ang inflation.
“We still believe that inflation will continue to lodge above the BSP’s (Bangko Sentral ng Pilipinas) target but will start to taper off once supply side factors (price upticks in rice and crude oil) start to stabilize in the third quarter,” dagdag pa ng FMIC-UA&P Capital Market Research. CAI ORDINARIO
Comments are closed.