PH ECONOMY LALAGO PA SA 2ND QTR

INAASAHANG mas mabilis na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng taon kumpara sa naunang tatlong buwan dahil sa malakas na domestic demand, ayon sa report ng First Metro Invest-ment Corp. (FMIC) at ng University of Asia and the Pacific (UA&P).

Sa May 2018 edition ng The Market Call, sinabi ng FMIC at UA&P na umaasa silang tataas ang gross do-mestic product (GDP) sa second quarter ng taon mula sa 6.8 percent na naitala sa first quarter.

“Robust domestic demand and production should drive the Philippine economy to a faster growth in Q2 and beyond,” nakasaad sa report.

Bukod sa infrastructure at capital goods spending, ang impact ng income tax ay inaasahan ding makatu-tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang first package ng TRAIN Law noong nakaraang Disyembre kung saan binawasan ang personal income tax (PIT).

“With TRAIN 1’s tax cut and subsidies to low-income households being more felt only late in Q1, we expect more robust gains in consumer spending starting Q2, even as it had a below-par record in Q1,” ayon pa sa report.

Malaking bahagi ng dagdag na kita sa TRAIN ay ibubuhos sa ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan kung saan plano nitong gumastos ng mahigit sa P8 trillion hanggang sa 2022.

Ngayong taon pa lamang, maglalatag ang bansa ng 76 big-ticket projects na naghahalaga ng kabuuang $35.5 billion o P1.1 trillion.