PH ECONOMY LUMAGO NG 7.1% SA Q3

MULING lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa third quarter ng taon sa kabila ng pagbabalik sa mas mahigpit na quarantine rules sa na- turang panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang gross domestic product (GDP) ay lumago ng 7.1% mula Hulyo hanggang Setyembre, mas mabilis sa -11.6%  sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ngunit mas mabagal sa 12% growth na naitala sa second quarter.

Year-to-date, ang GDP ng bansa ay lumago ng 4.9%, pasok sa revised target band ng pamahalaan na 4% hanggang 5% para sa buong 2021.

Sinabi ni Mapa na kailangang lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.3% sa fourth quarter ng taon para makamit ang upper end full-year growth goal ng pamahalaan.

“In the third quarter of 2021, we contained the Delta variant and sustained our economic expansion even as stringent quarantines were in place. Our strategy was correct. The results are clear,” wika ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua,

Ang Metro Manila ay muling isinailalim sa hard lockdown noong Agosto matapos na magluwag ng restrictions ng ilang buwan upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Kasunod nito ay isinailalim ang capital region sa Alert Level 4 noong Setyembre.