PABALIK na ang ekonomiya ng Pilipinas sa pre-pandemic level nito sa harap ng tuluyang pagbubukas ng bansa, lalo na sa travel at tourism, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sinabi ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua na isang executive order na nagtatakda ng “ten-point policy agenda” ang nilagdaan.
Layon nito na pabilisin ang economic recovery ng bansa mula sa mga epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagluluwag sa travel restrictions at pagpapabilis sa vaccination program.
“Executive Order (EO) No. 166, signed a few weeks ago, fully opens the economy, and we are working on getting tourists back [and] getting travel back to as normal as possible,” sabi ni Chua.
Iniulat ng Department of Tourism ( DOT) nitong Abril na mahigit sa 200,000 foreign tourists ang bumisita sa bansa magmula nang muling buksan ang mga border noong Pebrero.
“Having a strong macroeconomy is important in order to have enough buffers and enough resources to withstand any shocks, and you can concentrate on improving the welfare of the people,” ani Chua.