PH EDUCATION

Tumataas ang reputasyon ng higher education sa Pilipinas, dahil mataas daw ang ating academic standards kumpara sa ibang mga kolehiyo sa Asia.

Patunay dito ay ang dalawampu’t limang (25) Philippine higher education institutions (HEIs) na nakasama sa 2025 QS Asia University Rankings.

Mula sa sixteen (16) lamang noong isang taon, siyam (9) na HEIs ang nadagdag sa listahan, patunay na mas pinalakas ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang efforts upang isulong ang Philippine HEIs na maiangat ang kalidad ng edukasyon gayundin ang kanilang competitiveness.

Ayon kay CHED Secretary Popoy De Vera, dapat i-congratulate ang 25 PHEIs sa kanilang remarkable achievements sa 2025 QS Asia University Rankings.

Aniya, ito ang bunga ng kanilang dedikasyon at walang sawang pagpupunyagi na mabigyang diin ang mga kakayahan at potensyal ng Philippine higher education sa international scale. Karapat-dapat lamang umano silang palakpakan.

“The country is witnessing a growing presence of Philippine universities re­cognized not only in Asia but across the world. This trend aligns with the directives of President Ferdinand Marcos J. to internationalize Philippine HEIs and strengthen their global reputation,” dagdag pa ni De Vera.

Nangunguna pa rin syempre ang University of the Philippines (UP) sa 25 Philippine HEIs na nasa ika-86 na pwesto. Sinundan ito ng Ateneo de Manila University sa ika-142: pwesto; De La Salle University, 163th; at University of Santo Tomas sa 181th pwesto.

Ngunit hindi naman nagpapahuli ang West Visayas State University, Angeles University Foundation, University of Southeastern Phi­lippines, University of Science and Technology of Southern Philippines, at University of Southern Mindanao na nakapasok sa listahan ng QS Asia Rankings.

Nakabalik naman ang Central Luzon State University, Central Mindanao University, Central Philippine University at Cebu Technological University ngayong taon matapos malaglag sa listahan kamakailan.

Ang taunang QS Asia University Rankings ay isang paraan upang i-assess ang mga paaralan sa mas malawak na paraan, na nagiging key performance indicators tungo sa pagkakaroon ng international standards, academic reputation, employer reputation, at faculty-to-student ratios. Ito ang kanilang sukatan.

Dahil din sa rankings, nagiging performance indicators ito na tumutugma sa Asian context, tulad ng research output, citations per faculty, at international research collaborations, na kung pagsasama-samahin at magpapakita ng naiibang academic and research priorities ng bawat rehiyon.

“Philippine universities have built a strong reputation among international employers and exhibit a robust international agenda. Meanwhile, its skyrocketing academic renown represents a highlight for the country in this year’s ranking.” ayon Kay QS Se­nior Vice President Ben Sowter.

Kumpletong listahan ng mga Philippine Universities na nakasali sa 2025 QS Asia Rankings:

• University of the Philippines (86)
• Ateneo de Manila University (142)
• De La Salle University (163)
• University of Santo Tomas (181)
• Adamson University (411-420)
• University of San Carlos (481-490)
• Polytechnic University of the Philippines (541-560)
• Mapua University (561-580)
• Silliman University (601-620)
• Far Eastern University (681-700)
• Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (701-750)
• Ateneo de Davao University (701-750)
• Saint Louis University (751-800)
• Mindanao State University (801-850).
• Xavier University (801-850)
• Lyceum of the Philippines University (801-850)
• Central Mindanao University (851-900)
• Cebu Technological University (851-900)
• Central Luzon State University (851-900)
• Central Philippine University (851-900)
• West Visayas State University (901+)
• Angeles University Foundation (901+)
• University of Southeastern Philippines (901+)
• University of Science and Technology of Southern Philippines (901+)
• University of Southern Mindanao (901+)

JAYZL NEBRE