PATULOY na lumago ang factory output, kapwa sa volume at value, noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Gayunman, ang paglago ay mas mabagal sa expansion noong Marso ng nakaraang taon at noong Pebrero ngayong taon.
Ang Value of Production Index (VaPi) ay lumago ng 4.9 percent noong Marso, mas mabagal sa 9 percent noong Pebrero at three-digit growth rate na 370.3 percent noong Marso ng nakaraang taon.
“The slower annual growth of the VaPI in March 2023 was mainly contributed by the slower annual increase in the index of manufacture of beverages industry division with 11.1 percent annual increment in March 2023 from 27.2 percent in the previous month,” ayon sa PSA.
Samantala, ang Volume of Production Index (VoPI) ay lumago ng 2.2 percent, mas mabagal sa 346.2 percent at 5.2 percent growth na naitala noong March 2022 at February ngayong taon.
Ang mas mabagal na paglago ay dahil sa mas mababang annual expansion sa manufacture ng beverages, chemical and chemical products, at basic metals.
Ayon sa PSA, ang average capacity utilization rate para sa manufacturing ay nasa 73 percent noong Marso mula 72.7 percent sa naunang buwan.
“The proportion of establishments that operated at full capacity (90 percent to 100 percent) was 21.7 percent of the total number of responding establishments. Meanwhile, 38.0 percent operated at 70 to 89 percent capacity, while 40.3 percent operated below 70 percent capacity.”
-PNA