PH FARM EXPORTS PALALAKASIN SA PAPUA NEW GUINEA

FARM GOODS

TARGET ng Pilipinas na makapag-export ng mas ma­raming farm goods sa Papua New Guinea sa layuning mapalakas ang kalakalan nito sa maliit na bansa sa Pacific.

Sa roundtable kina Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill at Ministry of Finance James Marape noong Miyerkoles, ilan sa top business executives ng bansa ang nagtanong hinggil sa trade and investment opportunities na maaaring magamit sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Manila ay naghahangad na makapagpasok ng mas maraming processed food sa Port Moresby upang mapasigla ang kanilang underdeveloped trade relations.

Ang total value ng traded goods sa pagitan ng Pilipinas at ng Papua New Guinea ay tumaas ng 10.02 percent noong Pebrero sa $18.56 million mula sa $16.87 million sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Noong Enero, mas mataas ito sa $61.2 percent, angat ng 1.83 percent mula sa $60.11 year-on-year.

Gayunman, ang Philippine exports sa Papua New Guinea ay nasa  $1.63 million lamang noong Pebrero, at mas mababa pa sa $1.44 million noong ­Enero sa kabila ng mas masiglang trade activity sa naturang buwan. Ito ang dahilan kung bakit nais ni Trade Secretary Ramon M. Lopez na mag-export hind lamang ng processed food sa Port Moresby, kundi maging ng electronics, machineries at equipment, at packaging materials at appliances.

“We are committed in having Pa­pua New Guinea as a strategic economic partner through greater bilateral trade and investment ties, as well as sub-stantive engagements in the Apec [Asia-Pacific Economic Cooperation]. We are optimistic that even as we develop broader links of friendship between our two countries, we can expand opportunities for trade and investment,” wika ni  Lopez.

Hinihikayat din ng Department of Trade and Industry ang Papua New Guinea counterpart nito na lumahok sa bilateral economic dialogue sa pama-magitan ng Joint Economic Commission.

Para naman sa Pacific country, interesado ito sa investment opportunities sa mga produktong pang-agrikultura, gayundin sa oil at gas exploration sa Pilipinas. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.