PH FOOD PRODUCTS PATOK SA UAE

Charmaine Yalong

NANATILING matatag ang food exports ng Filipinas sa United Arab Emirates (UAE) noong 2020 sa gitna ng pandemya, ayon sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Dubai.

Sa isang statement, sinabi ni PTIC-Dubai commercial attaché Charmaine Yalong na tumataas ang demand para sa Filipino food products sa UAE dahil sa malaking bilang ng mga Filipino sa naturang bansa, kung saan ang Filipino brands ay inilalagay rin sa mainstream markets.

Idinagdag ni Yalong na dumarami rin ang Filipino restaurants sa malls at city centers sa UAE at mas maraming Filipino franchisors at Middle East franchisees ang tumutugon sa pangangailangan para sa Filipino food products.

“(A)side from gratifying the cravings of our kababayans for native Philippine products, the cosmopolitan tastes of locals and expatriates in the UAE are now being catered to as well. A wide range of these products are now available side-by-side with other products from Asia, Europe and the United States in the shelves of supermarkets here in the UAE,” aniya.

Mula January hanggang June 2020 pa lamang ay lumago na ang Philippine food exports sa UAE, ayon kay Yalong.

Ang processed food and beverage exports ay nagkakahalagang USD10.86 million, ang exports ng pineapple at ng byproducts nito ay nasa USD14.02 million, ang fresh bananas ay pumalo sa USD12.9 million, tuna exports sa USD3.3 million, at ang fresh at  processed fish ay nasa USD590,000.

“The continued support to Philippine exporters, through trade referrals and organization of Philippine participations in trade exhibitions and outbound business missions, contributed to the increasing presence of Philippine products in the UAE,” sabi pa niya. PNA

Comments are closed.