TUMAAS ang gross international reserves (GIR) level ng bansa ng USD2.35 billion sa USD93.29 billion noong Mayo mula sa USD90.94 billion noong Abril, ayon sa preliminary data.
Ang month-on-month increase sa GIR level ay nagpapakita ng inflows pangunahin mula sa national government (NG) foreign currency deposits sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa kinita sa pag-iisyu nito ng Republic of the Philippines (ROP) global bonds, at sa foreign exchange operations ng central bank.
Ang inflows, gayunman, ay bahagyang na-offset ng foreign currency withdrawals na isinagawa ng national government para bayaran ang foreign currency debt obligations nito.
Hanggang noong katapusan ng Mayo 2020, ang kasalukuyang GIR level ay katumbas ng 8.4 buwang halaga ng imports of goods at payments ng services at primary income.
“It can cover seven times the country’s short-term external debt based on original maturity and 4.6 times based on residual maturity,” ayon pa sa datos.
Tumaas din ang net international reserves (NIR) ng USD2.34 billion sa USD93.27 billion noong Mayo mula sa USD90.93 billion noong Abril.
Ang net international reserves ay ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR ng BSP at ng total short-term liabilities.
Comments are closed.