PH-FRANCE AGRI COOPERATION PALALAKASIN

philippine coconut authority

IPAGPAPATULOY ng mga pamahalaan ng Pilipinas at France ang pagtutuwang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng agri-food sector, partikular ang may kinalaman sa local livestock at dairy industry.

Ito ang napagkasunduan sa 3rd Philippines-France Joint Steering Committee (JSC) on Agricultural Cooperation na idinaos sa Philippine Coconut Authority noong nakaraang March 29.

Ang JSC ay co-chaired nina Assistant Secretary for Policy, Research and Development Noel A. Padre ng Philippine Department of Agriculture (DA) at Head of the International Affairs Division Françoise Simon ng French Ministry of Agriculture and Food Sovereignty (MAFS). Dumalo rin si French Ambassador to the Philippines H.E. Michele Boccoz para magbigay ng opening remarks.

Sa isang administrative arrangement na nilagdaan sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa noong 2017, isa sa implementation cooperation ay ang pagsasagawa ng diyalogo tulad ng Joint Steering Committee on Agricultural Cooperation tuwing dalawang taon upang palakasin ang areas of cooperation at magbukas ng mga bagong pintuan para sa partnership.

Sa naturang pagpupulong, kinumpirma ng dalawang panig matapos ang pagsasapinal at paglagda sa Implementation Agreement on the Promotion of Geographical Indications, ang mga inilatag na aktibidad sa pagpapalakas ng pangangasiwa sa African swine fever, at ang pagpapatuloy ng talakayan sa ASF vaccine development.

Bukod dito, sinusuportahan ng France ang panukala ng NMIS sa “fellowship visits to reference labs specializing on the analyses of veterinary drug residues in pig meat.“

Ipinanukala rin ng Pilipinas ang scholarship grants at agricultural education.

Nagkasundo ang magkabilang panig sa pagpapaigting ng dairy cooperation at sa pagpapabilis ng mga umiiral na proyekto.

Ang mga posibleng areas of partnership sa France ay kinabibilangan ng pagpapaunlad ng wholesale markets, pagpapabuti sa peking duck industry, at pagpapalakas ng resilience ng seaweed industry.