PH HANDA NA SA AVC ASIAN CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

BAHAGI lamang ng mahabang proseso na naglalayong mapaangat pa ang antas ng  Philippine volleyball ang pagpapadala ng tatlong koponan sa AVC Asian Club Volleyball Championship sa susunod na buwan sa Thailand.

“It takes years to have a good national team,” pahayag ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon Suzara sa Philippine Sportswriters Association (PSA)  online Forum nitong Martes.

Ayon kay Suzara, nahalal na PNVF chief noong nakaraang Enero, walang “overnight success” sa pagbuo ng matagumpay na programa na maghahanay sa Pilipinas sa pinakamahuhusay sa mundo.

“This is not a one-shot deal. It’s long-term development,” ani Suzara  sa  forum na dinaluhan din nina Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito at Filipino coaches Odjie Mamon at Dante Alinsunurin.

Sinabi ni Suzara na nakatakdang umalis ang women’s teams patungong Thailand sa Sept. 27 para sa torneo sa Oct. 1-7, habang ang men’s team ay aalis sa Oct. 4 para sa kumpetisyon na gaganapin sa Oct. 8-15.

Ang 54-year-old na si Souza de Brito, miyembro ng Brazilian squad na nanalo ng men’s gold sa 1992 Barcelona Olympics, ay nasa bansa para sa two-year deal sa PNVF bilang consultant ng national women’s volleyball team.

Gagabayan niya ang Rebisco squad na pinangungunahan ni Aby Maraño, kasama sina Rhea Dimaculangan, Dindin Santiago-Manabat, Jema Galanza, Eya Laure, Faith Nisperos, Mhicaela Belen, Imee Hernandez, Ivy Lacsina, Kamille Cal, Jennifer Nierva at Bernadette Pepito.

Si Mamon ang magmamando sa Choco Mucho unit na kinabibilangan nina Kalei Mau, MJ Phillips, Kat Tolentino, Iris Tolenada, Majoy Baron, Mylene Paat, Kianna Dy, Ria Meneses, Dell Palomata, Dawn Macandili, Tin Tiamzon at Deanna Wong.

Hahawakan ni Alinsunurin ang men’s Rebisco team na binubuo nina John Vic de Guzman, Jessie Lopez, Rex Intal, Mark Alfafara, Kim Malabunga, Ish Polvorosa, Francis Saura, Josh Retamar, Jao Umandal, Ricky Marcos, JP Bugaoan, Ysay Marasigan, Nico Almendras at Manuel Sumanguid.

Comments are closed.