PH HANDANG TANGGAPIN ANG KOREAN INVESTMENTS

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyanteng Koreans na nakahanda ang Pilipinas na tanggapin ang kanilang mga investments at buo ang suporta ng gob­yerno sa kanila.

Ginawa ni Pangulo ang pahayag sa isinagawang PH-South Korea Business Forum araw ng Lunes.

Ayon sa Pangulo, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang gob­yerno para maging conducive na lugar  ang Pilipinas para magpun­dar ng mga negosyo.

Binibilisan ng gob­yerno ang pagbuo ng mga reporma sa polisiya na nakadisenyo para maging maganda ang at mapabilis ang magne­gosyo sa Pilipinas.

Ibinahagi ng Pa­ngulo ang pagsasabatas sa PPP or Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines na isang malaking halimbawa para sa nasabing inisyatibo dahil nagbibigay daan ito para sa isang transformative collaborations sa pagitan ng gobyerno at private sector partikular sa mga infrastructure projects gaya ng pagkakaroon ng maayos na mga daanan, maayos na tulay at pagtatayo ng mga public facilities sa pamamagitan ng private sector investments.

Samantala, kapit bisig ang Department of Tourism (DOT)  at  Mi­nistry of Culture, Sports and Tourism of the Republic of Korea  matapos lumagda sa programang pagpapatupad ng Memorandum of Understan­ding (MOU) sa Tourism Cooperation para sa 2024-2029 sa unang pagbisita ng Pangulong Yoon Suk-yeol ng South Korea sa bansa.

Nilagdaan ang kasunduan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Ministry of Culture, Sports and Tourism Yu In-chon nitong Oktubre 7 na sinaksihan nina Pangulong Marcos at  President Yoon sa Malacañang Palace.

Ang pagpirma sa implementation program para sa 2024-2029 ay nagpapatuloy at nagpapalawak sa bilateral na kooperasyon sa turismo ng dalawang bansa.

“The Department of Tourism welcomes the signing of the implementation program on tourism cooperation which will further enhance the longstanding relations between our two nations in tourism and people-to-people exchanges. We anticipate this will increase demand for more Philippine destinations and tourism products from our number one source market, South Korea, and provide more opportunities for the economic advancement of our people, with the expected growth in our tourism numbers” ani Secretary Frasco.

RUBEN FUENTES