PH HAWAK PA RIN ANG DIVE DESTINATION NG MUNDO

Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na hawak pa rin ng Pilipinas ang dive destination sa mundo.

Itinuring  sa 2024 World Travel Awards (WTA) ang Pilipinas bilang Leading Dive Destination.

Ito na rin ang pang-anim na beses na nakuha ng Pilipinas ang nasabing pagkilala.

Ilan sa mga nanguna ay ang Boracay bilang World’s Leading Luxury Island Destination, Manila bilang World’s Leading City Destination at Amanpulo bilang World’s Leading Dive Resort.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco,  tuloy-tuloy ang ginagawa nilang promosyon para makilala nang tuluyan ang bansa.

Binanggit ni Frasco na ang bansa ay kumita ng tinatayang P73 bilyon mula sa dive industry noong 2023.

Samantala, ibinalik ng kampanyang “Love the Philippines” ang mga Filipino winders sa Times Square ng New York City sa pamamagitan ng kampanyang inilunsad ng DOT at ng Philippine consulate general sa New York.

Sa pamamagitan ng serye ng 15-segundong video na ipinapakita sa Broadway at 44th corner 45th Streets, itinatampok ng kampanya ang mga natatanging handog ng Pilipinas.

PMET