PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na i-host ang final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo sa ilallm ng isang bubble setup.
Sa isang press briefing, kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na binigyan na ng ‘go signal’ ng IATF ang SBP para idaos ang mga laro sa Clark City, kung saan maglalaro ang mga player mula sa 12 bansa, kabilang ang Filipinas.
“The IATF has approved the request of Samahang Basketbol ng Pilipinas to host international basketball or the FIBA Asia Cup Cup Qualifiers in June 2021 under a bubble-type in Clark, Pampanga,” ayon kay Roque.
Iho-host ng Filipinas ang Groups A, B, at C sa torneo na nakatakda sa June 16-20.
Ang Group A ay binubuo ng Filipinas, Korea, Thailand, at Indonesia habang ang Group B ay kinabibilangan ng Chinese Taipei, Japan, Malaysia, at China.
Nasa Group C naman ang Australia, New Zealand, Guam, at Hong Kong.
Bukod sa Filipinas, magiging hosts din ang Jordan sa qualifying tournament para sa Group E na binubuo ng Iran, Syria, Saudi Arabia, at Qatar, at Group F ng Kazakhstan, Palestine, Sri Lanka, at Jordan.
Ang Jordan window ay gaganapin sa June 12-14.
Dalawang beses na makakasagupa ng Filipinas ang Korea at isang beses ang Indonesia. Kailangan lamang ng mga Pinoy ng isang panalo para umabante. CLYDE MARIANO
679134 674210Just a smiling visitant here to share the really like (:, btw outstanding style . 56433
928809 356009hi!,I like your writing so a whole lot! share we communicate far a lot more about your article on AOL? I want a specialist on this region to solve my difficulty. Could be thats you! Seeking forward to see you. 84912
743196 444929i could only wish that solar panels cost only several hundred dollars, i would really like to fill my roof with solar panels- 215836
688712 441022You can certainly see your enthusiasm in the function you write. The world hopes for much more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. Always go right after your heart. 249332