PUMIRMA ang Filipinas at South Korea ng “Early Achievement Package” na nauna pa sa pagtatapos ng free trade agreement (FTA) sa pagitan ng dalawang bansa sa unang kalahating taon ng 2020. Naglalaman ang package ng pag-unlad ng trade negotiations, kasama ang mga prayoridad na produkto tulad ng saging, damit, at auto parts para sa Filipinas at pharmaceuticals, petrochemicals, at auto parts para sa South Korea.
Pinirmahan ang package ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at ang kanyang Korean counter-part Minister Yoo Myung-hee nitong Nobyembre 25 sa sidelines ng ASEAN-Korea Commemorative Summit sa Busan, South Korea. Sa magkaisang pahayag, kinumpirma ng dalawang minister na ang Early Achievement Package ay mas maisasaayos pa at mapag-iisa sa free trade agreement.
Nagsimula ang negosasyon para sa Philippines-Korea Free Trade Agreement (PH-RK FTA) noong Hunyo 2019 para mapahusay ang economic relations at maayos ang daloy ng trade at investment sa pagitan ng Filipinas at South Korea sa pamamagitan ng pag-aalis ng hadlang sa mga negosyo at paglikha ng oportunidad sa kalakal at pamumuhunan.
Mula noon, nagkaroon na ng mga sunod-sunod na negosasyon mula Hunyo hanggang Setyembre, at may inter-sessional meetings noong Oktubre at Nobyembre. Sa ngayon, nagtapos ang negotiating team ng Chapter on Competition at gumawa ng kapaki-pakinabang na simula para sa natitirang anim na chapters: Trade in Goods, Trade in Services, Investment, Rules of Origin, Economic and Technical Cooperation, at Legal and Institutional Issues.
Pahayag ni Sec. Lopez na kahit hindi pa natatapos ang free trade negotiations ngayong Nobyembre, kapuri-puri na nakamit na ng dalawang panig ang substantial progress pareho sa market access at text-based negotiations sa loob lamang ng anim na buwan. Para sa Filipinas, sinabi ng trade chief na ang mithiin ay para mabago ang market access para sa produktong agrikultura tulad ng saging at iba pang tropical fruits, ganundin sa produktong industriyal at serbisyo.
Ang saging ang isang partikular na interes sa Filipinas para mai-level ang playing field sa kanilang kakompetensiya. May tariff rate na 30% para sa export ng saging sa South Korea, ang Filipinas ay kawalan sa Vietnam, na makikinabang ng zero tariffs pagdating ng 2024. May zero tariff na ang Peru para sa banana exports, habang ang bansa sa Central America ay makikinabang sa parehong zero tariff sa 2021.
“The FTA, once enforced, will be an important vehicle for improving the balance of trade with South Korea through enhanced trade flows, facilitating the movement of natural persons, and generating more investment opportunities and by extension, job generation possibilities,” dagdag niya.
Maliban sa presentasyon ng Early Achievement Package, nagsagawa rin ang trade chief ng “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” (TNK) seminar para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea. Doon niya ibinahagi ang kasalukuyang programa ng DTI para sa mga OFW na makatutulong sa kanila at sa kanilang pamilya na magsimula ng kanilang sariling negosyo sa Filipinas. Nagbigay rin si Raymond Abrea ng Asian Consulting Group ng tax literacy seminar para sa mga dumalo.
Ang South Korea ay ika-4 na major trading partner ng Filipinas, ika-8 export market at ikalawang import supplier noong 2018, na may total trade na nagkakahalaga sa US$ 13.92 bilyon. Ang mga pangunahing export sa South Korea ay saging at electrical and semiconductor products habang ang pangunahing import ay petrolyo at integrated circuits. Sa pamamagitan ng FTA, umaasa ang Filipinas na madaragdagan ang export ng pagkain at agriculture-based products, auto parts, organic and natural products, and design-driven products like garments and furnishings, at iba pa.
Comments are closed.