KAKAIBA ang diskarte ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella para patuloy na magtagumpay ang kanyang mga atleta sa international arena.
“It has been proven,” sabi ng dating congressman mula sa Bacolod City, patungkol sa kanyang desisyon na payagan ang mga miyembro ng national team na magsanay sa kani-kanilang mga probinsya o lugar.
“What we did was the Philippine Sports Commission (PSC) sent the equipment to our weightlifters in Cebu, Bohol and Zamboanga,” sabi ni Puentevella.
Sa pamamagitan nito ay nakapagpokus, aniya, ang mga atleta sa kanilang pagsasanay sa panahon ng pandemya at nanatili sa kani-kanilang pamilya sa halip na dalhin sila sa training bubble.
“The other NSAs (national sports associations) can study this,” ani Puentevella sa online version ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Sa ilallm ng naturang setup, ang SWP ay nakapag-uwi ng mga medalya sa Asian Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan kung saan nagwagi sina young weightlifters Vanessa Sarno ng dalawang golds at isang silver, Erleen Ando ng tatlong silvers at Mary Flor Diaz ng tatlong silvers.
Nabigo si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na makatuntong sa podium sa Tashkent subalit nagawang ipormalisa ang kanyang pagkuwalipika sa Tokyo Olympics sa Hulyo. Ito ang kanyang ika-4 na pagsabak sa Olympics.
Ang 17-anyos na si Sarno ay nakatira sa Bohol habang si Ando, 22, ay nagmula sa Cebu. Ang isa pang Diaz, 21, ay kaanak ng Olympic medalist mula sa Zamboanga.
“That’s why dito na muna kami sa probinsya while they train during the pandemic,” dagdag ni Puentevella.
Ang 30-anyos na si Diaz ay may isang taon nang nagsasanay sa Kuala Lumpur. Mula Tashkent ay bumalik siya sa Malaysian capital upang ipagpatuloy niya ang pagsasanay hanggang sa Tokyo Games sa Hulyo. CLYDE MARIANO
601573 911736Its actually a nice and beneficial piece of info. Im glad which you just shared this beneficial information with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 86739
392383 627583Howdy just wanted to give you a brief heads up and let you know a few of the pictures arent loading properly. Im not certain why but I feel its a linking issue. Ive tried it in two different web browsers and both show the same outcome. 902954