NAGPATULOY sa paglago ang manufacturing sector ng bansa noong Disyembre, ayon sa survey ng S&P Global.
Ang headline S&P Global Philippines Manufacturing PMI ay nasa 54.3 noong nakaraang buwan, mas mataas sa 53.8 noong Nobyembre. Napantayan nito ang reading noong April 2022, at ang joint-strongest magmula noong November 2017.
Ang reading sa ibabaw ng 50.0 threshold ay nagpapakita ng expansion, habang ang levels sa ilalim ay nagpapahiwatig ng contraction.
“The Filipino manufacturing sector ended 2024 on a positive note, with further improvements in demand resulting in sharp and significant increases in new orders and output,” pahayag ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.
Ang paglago sa output at bagong orders ang pinakamalakas sa loob ng 32 buwan, na sinuportahan ng ”anecdotal evidence of robust underlying demand trends, product diversification, and new client acquisitions.“
Muli ring lumaki ang demand mula sa international markets kung saan ang bagong export orders ay tumaas sa unang pagkakataon sa loob ng limang buwan.
“Firms also expanded their purchasing activity to meet production requirements. December highlighted a moderation in inflationary pressures, marking a shift from the spike observed in November. In fact, cost burdens and output charges rose at historically muted rates,” sabi ni Baluch.
Bagama’t ang mas mataas na halaga ng materials at suppliers ay halos lahat ay ipinasa sa mga kliyente, lumitaw sa survey na may renewed moderation sa inflationary pressures makaraang maitala ang peaks noong Nobyembre dahil ang cost burdens ay tumaas sa rate na mababa sa historical average.
“While production efficiency allowed manufacturers to stay on top of tasks at hand, it also led to a slight drop in employment, thereby ending a three-month streak of job creation. However, this could be a temporary blip, especially if demand remains resilient as anticipated throughout 2025,” ani Baluch.
Ang official government data sa manufacturing sa ilalim ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ay nakatakdang ilabas sa Pebrero 7, 2025.