PH MARTIAL ARTISTS SASABAK SA WORLD COMBAT GAMES

Martial Arts

ILANG araw lang ang pahinga ng mga Pinoy martial arts fighter matapos ang 19th Asian Games at muli silang mapapalaban sa 2023 World Combat Games na gaganapin sa October 20-30 sa Saudi Arabia.

Makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga kalaban sa 20 martial sports sa 10 araw na kumpetisyon na gagawin sa capital city Riyadh.

Pamumununuan ni Chief of Mission at wrestling president Alvin Aguilar ang delegasyon na ginastusan ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Richard Bachmmann.

“Our fighters are all in high spirit and ready to face their rivals. They are all determined to win and bring honors to the country,” sabi ni Aguilar.

Mahigit 1,600 combat fighters mula sa 40 bansa ang lalahok sa torneo.

“Malaki ang tiwala ko sa ating mga martial practitioners, kaya nilang lumaban nang sabayan at kaya nilang manalo,” wika ni Aguilar.

Kasama sa mga combat sports ang aikido,boxing, karate, jiu-jitsu, arm wrestling, judo, fencing, kendo, taekwondo, kickboxing, muaythai, sambo, savate, sumo, wrestling at wushu.

CLYDE MARIANO