HINDI lang ang mga atleta na sasabak sa 2021 Southeast Asian Games ang gusto ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez na mag-uwi ng karangalan kundi maging ang mga atleta sa ASEAN Para Games.
“While I pray for the success of the SEA Games-bound athletes, just the same, I want to see our athletes in the Para Games attain success in their chosen sports,” sabi ni Ramirez, at idinagdag na solido ang suporta ng ahensiya sa kanila upang makamit ang tagumpay.
“May tiwala ako sa ating mga atleta. Kumpiyansa ako na mag-uuwi sila ng karangalan,” ani Ramirez.
Sinabi ni Ramirez na ang kapansanan ay hindi hadlang para magtagumpay ang isang atleta kung mayroon siyang dedication, aspiration at determination para manalo tulad nina Paralympics bronze medalist Adeline Dumapong, Josephine Medina, London World Swimming veteran Ernie Gawilan, Gary Bejino at Asian Cycling medalist Arthus Eusrtaquio Bucay.
“Hindi man ako ang mamumuno sa delegation, ang wish ko ay ang kanilang tagumpay. I know and I am confident they can do it no matter how tough the opposition is,” dagdag ni Ramirez.
Sa kanyang magandang pamamalakad bilang Chief of Mission ay nasungkit ng Pinas ang overall championship sa 2019 SEA Games na ginanap sa bansa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.