SURAKARTA, Indonesia – Determinado ang Filipino para chessers na mahigitan ang kanilang ipinakita sa 2017 10th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa pagsisimula ng chess competition sa Linggo sa Lor-in Hotel dito.
“Definitely we want to surpass what our athletes did in Malaysia five years ago,” sabi ni national head coach James Infiesto patungkol sa 4 gold, 3 silver, at 6 bronze medals na napanalunan ng bansa patungo sa third place finish sa regional sports showpiece sa Malaysian capital.
Ayon kay Infiesto, nagdagdag ang Indonesian hosts ng 12 pang events, upang umabot sa 36 golds ang paglalabanan sa sport ng 11th ASEAN Para Games.
“This is why we tried to fill up all of the categories with players since there will be 12 more golds available in this competition,” aniya hinggil sa trip na sinuportahan ng Philippine Sports Commission.
Mangunguna sa koponan ang powerhouse trio nina FIDE Master Sander Severino, Jasper Rom, at Henry Roger Lopez, na winalis ang men’s team standard at rapid events sa 2018 Asian Para Games na idinaos sa Indonesian capital mg Jakarta. Tampok dito ang 1-2-3 finish nina Severino, Lopez, at Rom sa men’s individual rapid event.
“We completed a grand slam of gold, silver, and bronze in the individual rapid event so this is why Indonesia is really preparing hard to get back at us,” ani Infiesto, at idinagdag na may mga player siya na maaaring manorpresa sa sandaling sumulong na ang chess competition.
“Unlike in the in the Asian Para Games where we dominated two events, we are aiming to be dominant in others as well,” anang coach, na tumangging pangalanan ang mga chesser na inaasahan niyang magde-deliver sa iba pang events.
Bagaman ang build-up ay isinagawa sa online sa simula, sinabi ni Infiesto na sinimulan nila ang kanilang bubble face-to-face training na pinondohan ng PSC sa kaagahan ng Hulyo sa Philsports Complex sa Pasig City.
Ang iba pang mga miyembro ng men’s squad ay sina Felix Aguillera, Anthony Abogado, Cecilio Bilog, Francis Ching, Darry Bernardo, Israel Peligro, Menando Redor, Rodolfo Sarmiento at Arman Subaste.
Ang women’s squad ay binubuo nina Cheryl Angot, Maria Teresa Bilog, Charmaine Tonic, Cheyzer Crystal Mendoza, Evangeline Gamao, Corazon Lucero, Ma. Katrina Mangawang, Fe Mangayayam, Jean-Lee Nacita at Elena Peligro.