UMABANTE ang Filipinas sa gold medal round ng polo event sa 30th Southeast Asian Games makaraang gapiin ang Indonesia, 6-4.5, sa 4-6 goals category sa Calatagan, Batangas.
Naisaayos ng mga Pinoy ang showdown sa Malaysia, na kanilang tinalo sa kanilang naunang laro, 8.5-5, para sa gold sa Linggo.
Muling nagpasiklab sina captain Stefano Tuban, Tomas Bitong, Miguel Lopez, at Gus Aguirre para sa Filipinas, na ang nag-iisang talo sa torneo ay laban sa Brunei (8.5-8) sa kanilang opener.
Sa iba pang polo match kahapon ay pinataob ng Malaysians, ang reigning champions sa kumpetisyon, ang Brunei, 8-5.5.
Comments are closed.