PH PINEAPPLE JUICE, RAMIE EXPORT RECEIPTS SURGE

EXPORT

NAGTALA ang bansa ng mataas na record sa nagdaang limang buwan ng taon mula sa outbound na shipments ng pineapple juice at ramie fibers.

Ang huling datos na ini-release ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang linggo ay nagpakita ng record mula sa pineapple juice ports na tumaas sa halos 7,967 porsiyento hanggang US$3.04 milyon sa 2018 mula sa US$38,000 noong nagdaang taon.

Tumaas din ang rekord ng ramie sa halos 451 porsiyento para maabot ang US$189,000 ngayong taon,  na humigit sa nakaraang taong 2017 na US$34,000.

Nagrehistro ang dalawang kailanganing bilihin ng pinakamataas na export receipt growth rates sa total na  agro-based products na ipinalabas ng bansa sa 2018.

Umabot ang total na agro-based products na nai-export ng Filipinas ngayong taon sa US$1.61 billion.

Pero ito naman ay 26 porsiyentong mababa kaysa sa US$2.17 bilyon na nakuha mula sa exports ng agro-based products noong 2017.      PNA

Comments are closed.