PH SASABAK SA 46 SPORTS SA ASIAN GAMES

Abraham Tolentino

LALAHOK ang Filipinas sa 46 sa 61 sports na nakakalendaryo para sa 2022 Asian Games na nakatakda sa September 10 to 25 sa susunod na taon sa Hangzhou, China.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino, isinumite na ng POC ang listahan sa  Hangzhou Asian Games Organizing Committee noong nakaraang Biyernes.

Ang mga Filipino athlete ay sasabak sa aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak at cycling MTB at BMX.

Nasa listahan din ng Team Philippines ang dancesports’s breaking, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, artistic and rhythmic gymnastics, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, modern pentathlon, skateboarding, rowing at men’s rugby.

Ang iba pang sports ay ang sailing, sepaktakraw, shooting, sports climbing, squash, taekwondo, tennis, triathlon, men’s and women’s volleyball, men’s and women’s beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

Sinabi ni Tolentino, na siya ring presidente ng PhilCycling, na panahon na para itaas ng mga

Filipino athlete ang antas ng kanilang performance sa Asian Games matapos ang two-time domination ng bansa sa  Southeast Asian Games.

“We submitted our list last Friday—the deadline—and we based our list on our effort to surpass our last achievement of four gold medals—in Jakarta—because we improved a lot in the SEA Games,” ani Tolentino, na itinalaga si  Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou.

Ayon kay Canlas, nagsimula na ang  ground work para sa paghahanda at paglahok ng bansa sa Asian Games.

“We started working on the Asian Games because next year is an election year, so it’s transition year for the PSC [Philippine Sports Commission],” sabi ni Canlas.

“I’m coordinating with [PSC] Chairman William Ramirez on how we are going to go about the budget right now.”

Ang Filipinas ay nagwagi ng apat na gold medals sa Jakarta 2018 Asian Games— Hidilyn Diaz (weightlifting), Margielyn Didal (skateboarding), Yuka Saso (golf, women’s individual) and Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go (golf, women’s team).

Nag-uwi rin ang bansa ng dalawang silver medals na kaloob nina Rogen Ladon (boxing) at Kiyomi Watanabe (judo) at 15 bronze medals— apat sa pencak silat, tatlo sa taekwondo, tig-dalawa sa boxing at wushu at tig-iisa sa cycling, jiu-jitsu, karate at golf. CLYDE MARIANO

One thought on “PH SASABAK SA 46 SPORTS SA ASIAN GAMES”

Comments are closed.