PH TRADE DEFICIT LUMAKI($3.677-B noong Nobyembre)

PH TRADE DEFICIT

LUMOBO ang trade deficit ng bansa noong Nobyembre kahit na bumaba ang imports at nagposte ang exports ng double-digit growth, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng $3.677-billion deficit noong Nobyembre, mas malaki kumpara sa $3.312-billion deficit noong Oktubre, ngunit mas maliit sa $4.710-billion gap na naiposte sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Total external trade for the month amounted to $17.878 billion, reflecting a 3.6% increase from $17.257 billion in November 2021, but lower than the $18.734 billion in October,” ayon pa sa datos ng PSA.

Sa total external trade, ang imported goods ay bumubuo sa 60.3% o $10.777 billion, mas mababa ng 1.9% kumpara sa $10.984 billion noong nakaraang taon at sa $11.023 billion noong Oktubre.

Apat sa 10 major commodity groups ang nagtala ng pagbaba noong Nobyembre, sa pangunguna ng electronic products na bumaba ng 10.1%. Sumunod ang transport equipment, 8.8%; cereals and cereal preparation, 5.9%; at industrial machinery and equipment, 3.5%.

Nanatili ang China bilang pinakamalaking supplier ng imported goods sa Pilipinas na may $2.60-billion na halaga ng receipts sa naturang buwan, kasunod ang Indonesia na may $1.14 billion, Japan na may $927.50 million, USA na may $735.40 million, at Republic of Korea na may $691.74 million.

Pagdating sa exports, ang receipts para sa Nobyembre ay nasa $7.100 billion. Mas mataas ito ng 13.2% kumpara sa $6.273 billion noong nakaraang taon, ngunit mas mababa sa $7.711 billion noong Oktubre.

Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa other mineral products, gained 51.0%; ignition wiring, 23.1%; electronic products, 22.9%; cathodes, 8.7%; at other manufactured goods, 4.8%.

Naitala naman ang pagbaba sa exports ng coconut oil, 35.2%; metal components, 19.2%; chemicals, 15.1%; electronic equipment and parts, 4.7%; at machinery and transport equipment, 0.2%.