PH TRADE DEFICIT LUMAKI($6.002-B noong Agosto)

PH TRADE DEFICIT

LUMOBO pa ang trade gap ng bansa noong Agosto kung saan mas mabilis ang paglago ng imports kaysa exports, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng $6.002-billion deficit noong Agosto, August, mas mataas ng 81.3% kumpara sa $3.310 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon at sa $5.989 billion noong Hulyo.

Ang total export sales para sa buwan ay nasa $6.410 billion, bumaba ng 2.0% mula $6.539 billion sa kapatehong buwan noong nakaraang taon, ngunit mas mataas kumpara sa $6.217 billion noong Hulyo.

Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa coconut oil (26.6%); other manufactured goods (16.5%); fresh bananas (5.1%); ignition wiring sets (4.3%); electronic equipment and parts (2.1%), at metal components.

Naitala naman ang pagbaba sa other mineral products ( 23.8%); chemicals (9.5%); machinery and transport equipment (2.4%); at electronic products (1.6%).

Ang exports sa United States of America ay bumubuo sa $1.05 billion o 16.3% ng kabuuan sa naturang buwan, kasunod ang Japan na may $931.35 million o 14.5%; China, $839.19 million o 11.4%, at Singapore na may $433.89 million o 6.8%.

Samantala, ang imports para sa buwan ay nasa $12.412 billion, tumaas ng 26.0% mula sa $9.850 billion noong August 2021, at tumaas mula sa $12.206 billion noong Hulyo.

Naitala ang double-digit increases sa transport equipment (75.8%); mineral fuels, lubricants and related materials (75.6%); other food and live animals (43.0%); cereals and cereal preparations (42.1%); telecommunication equipment (30.9%); miscellaneous manufactured articles (20.9%); industrial machinery and equipment (16.2%); at iron and steel (15.7%).

Ang pinakamalaking share sa imports ay nagmula sa China, na may $2.71 billion o 21.8%, kasunod ang Indonesia na may $1.35 billion o 10.8%; Japan, $1 billion o 8.1%; South Korea na may $939.10 million o 7.6%; at Singapore na may $853.78 million o 6.9%.