PH TRADE DEFICIT LUMIIT ($4.773-B noong Abril)

PSA-PH TRADE DEFICIT

LUMIIT ang trade deficit ng Pilipinas noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng $4.773-billion deficit — mas mababa sa $5.007-billion deficit noong Marso ngunit mas mataas sa $3.097-billion deficit noong Abril 2021

Ang kabuuang imported goods para sa buwan ay nagkakahalaga ng $10.90 billion, na nagpapakita ng annual growth rate na 22.8% mula sa $8.878 billion noong Abril 2021.

Ayon sa PSA, ang pinakamabilis na paglago ay naitala sa mineral fuels, lubricants, at mga kaugnay na materyales, na tumaas ng 133.5%. Sinundan ito ng transport equipment na tumaaas ng 44.2%, at cereals and cereal preparations, 39.3%.

Naitala rin ang pagtaas sa iron and steel, plastics, iba pang food at live animals, electronic products, at telecommunication equipment and electrical machinery.

Naitala naman ang pagbaba sa industrial machinery and equipment, at sa miscellaneous manufactured articles.

Samantala, ang total export sales noong Abril ay nasa $6.128 billion, na may annual growth rate na 6.0% mula sa $5.780 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa coconut oil exports na tumaas ng 156.6%, sumusunod ang gold sa 53.0%, at iba pang mineral products, 51.0%.

Naitala rin ang paglago sa imports ng iba pang mineral products, cathodes, fresh bananas, chemicals, at electronic products.

Nagkaroon naman ng contractions sa ignition wiring sets, iba pang manufactured goods, at machinery and transport equipment.

Ang China ang may pinakamalaking export value na nagkakahalaga ng $971.74 million o 15.9% ng kabuuan, at pinakamalaking supplier ng imported goods na nagkakahalaga ng $2.27 billion o 20.8% ng kabuuan para sa buwan.