UMANGAT ang Philippine passport ng dalawang puwesto sa Henley Passport Index ngayong taon sa 73rd sa world’s most powerful passports.
Lumitaw sa 2024 Henley Passport Index na ang passport ng bansa — kasama ang Cape Verde Islands at Uganda – ay nagkakaloob ng visa-free access sa 69 destinasyon.
Ang Pilipinas ay dating ranked 75th na may visa-free access sa 67 lugar sa Henley index na inilabas noong Enero ng nakaraang taon.
Samantala, anim na bana ang nasa top spot: France, Germany, Italy, Japan, Singapore, at Spain.
Ang mga mamamayan ng naturang mga bansa ay may visa-free access sa 194 destinasyon sa buong mundo — ang pinakamataas na naitala magmula nang simulan ng Henley Passport Index ang pag-track sa global travel freedoms noong 2005.
Ang index ay pinrodyus ng London-based global citizenship and residence advisory firm Henley & Partners, gamit ang datos mula sa International Air Transport Association (IATA).