PH UMAKYAT SA NO. 18 SA FIBA MEN’S 3X3 RANKINGS

UMANGAT ang Pilipinas sa no. 18 sa pinakahuling FIBA 3×3 federation rankings kasunod ng matagumpay na hosting sa 2022 FIBA 3×3 World Tour Manila Masters nitong weekend.

Ang bansa ay dating ranked 27th sa mundo ngunit umakyat ng siyam na puwesto habang napanatili ng Serbia ang top spot. Sumusunod sa Serbia ang Lithuania, Latvia, at Belgium sa second, third, at fourth places, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nakalikom ang Pilipinas ng 794,057 points para umabot sa 18th place.

Sa pangunguna ng Chooks-to-Go, idinaos ng bansa ang katatapos na three-a-side tournament kung saan kapwa nabigo ang Filipino clubs — Manila Chooks at Cebu Chooks — sa kani-kanilang quarterfinal assignments.

Nalasap ng Manila ang 21-16 kabiguan sa mga kamay ng Sansar MMC Energy ng Mongolia, 21-16, habang yumuko ang Cebu sa Liman Huishan NE ng Serbia, 21-11.